Sa araw ng Daigdig sa gitna ng Pagbabago ng klima: Unahin ang Mamamayan bago ang Kita at Negosyo

Coal Free Central Luzon Mass Action IMG_5000 IMG_5102 IMG_5124 IMG_5125 IMG_5130Patuloy ang pagkatunaw ng mga yelo sa polar regions, natutuyo ang mga ilog sa Latina Amerika at Baltic region, unti-unting lumulubog ang mga isla at archipelagic na mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo, nagiging madalas ang malalakas na mga bagyo o “supertyphoon” sa Pasipiko at sa Altantiko, malaking problema ang kakulangan sa pagkain ng may apat na bilyong tao sa buong mundo – damang-dama na  ng lahat ang mga epekto ng pagbabago ng klima ng daigidig o climate change.

Sa Pilipinas, noong nakaraang taon lamang ay natunghayan naclimate changetin ang tinaguriang pinakamapanalasang epekto ng climate change sa kasaysayan nang maramdaman natin ang hagupit ng habagat sa Luzon at ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.  Dumating ito wala pa mang isang taon at patuloy pa tayong namomroblema sa delubyong dala ng bagyong Sendong na nag-iwan ng 1,275 namatay, P1.6 bilyong pinsala sa ari-arian,  at malawak na pagkawasak sa maraming mga komunidad.

Noong Disyembre 4 noong nakaraang taon, ilang araw bago ang isang taong anibersaryo ng bagyong Sendong,  ang bagyong Pablo na pinakamapaminsalang bagyo sa kasaysayan ang nagpaluhod sa bansa sa malaking problema. Ayon sa NDRRMC (National Disaster Risk Reduction Council) ang bagyong Pablo ay nagresulta ng pagkasira ng 200,000 kabahayan, pumatay sa higit 1, 200 buhay at higit 800 nawawala at nagdagdag sa lumalaking bilang ng climate change refugees na 970, 000 katao.

Ngayong taon, higit nating mararamdaman ang epekto ng climate change sa kakulangan sa supply ng bigas at pagkain dahil sa pagkatuyot ng maraming mga irigasyon at sakahan sa bansa.

Kung tataas pa ng 1-5 centigrade ang temperature ay inaasahang lalamunin na ng karagatan ang kabuuan ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), bahagi ng Bulacan, Cavite, Laguna, ilang bayan ng Bataan, Zambales, Pampanga at maraming bayan at probinsya sa buong bansa.

Hindi na mapapasinungalingan ng mga gobyerno at iba’t ibang ahensya na nasa yugto na ng pagkasira ang mundong ating ginagalawan At ang pinakamalaking dahilan ng pagkasirang ito ay dahil sa kagagawan ng tao.

Nagkakaisa ang mga bansa sa daigdig para pag-usapan ang kung paano makaka-adapt ang mga mamamayan sa pamalagiang epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagbabawas ng carbon emission, technology transfer, reforestation, at paggawa ng mga polisiya at mga programa para mapangalagaan ang mga natitirang likas-yaman ng mundo.

Ang tao bilang may kagagawan ng Climate Change

Ayon sa mga siyentista lahat tayo ay umaambag sa pagdagdag ng carbon emissions na siyang dahilan ng patuloy na pag-init ng ating atmospera, subalit may iba’t ibang kantidad ng pang-aabuso sa kalikasan batay sa ating estado o mga ginagawa – “Common but  Differentiated Responsibilities”.  Kung kaya mas malaking dahilan ng pagpollute sa daigdig ang mga korporasyon, pabrika at industriya, mga minahan at mga gamit sa transportasyon higit lalo ang mga Global North countries o mayayamang bansa sa ating pagbaybay sa pangkasaysayang pang-aabuso sa kalikasan.

Isa sa pinakamalaking pollutant ang tinatawag na fossil fuel industries o mga negosyong nakaasa sa mga mineral na minimina sa ilalim ng lupa na ginagamit bilang langis at gasolina, at coal o uling  para pagkunan ng enerhiya na pangunahing pinagkakakitaan at negosyo ng mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos, Tsina, Australia, India, Pransya, Ingaltera, Germany at iba pa.

Pinalala pa ang paglawak ng mga negosyo sa fossil fuel industries dahil sa suporta at subsidyong natatanggap nito mula sa mga gobyerno ng iba’t ibang bansa at ng mga International Financial Institutions (IFI). Ayon sa Oil Watch International, $775 Bilyon ang subsidyong ibinigay sa mga kumpanya ng langis taun-taon.

Patuloy naman ang World Bank at Asian Development Bank sa pagpondo ng mga fossil fuel projects lalo na sa Pilipinas tulad ng ekspansyon ng 600MW Calaca coal-fired Power Plant sa Batangas noong 2009, at ang kasalukuyang nasa prosesong pagpapatayo ng Coal Plant ng Aboitiz Subic at Davao Coal plants ng Banco de Oro .

At sa ngalan ng kita at negosyo, nagagawang katwiran ng mayayamang mga bansa na patuloy na sirain ang kalikasan upang manatili ang kanilang negosyong mapanira. Sa katunayan, noong nakaraang U.S elections ay higit sa $230 milyon ang ginastos ng mga fossil fuel businessmen para sa mga advertisements  na nagsasabing ligtas at hindi masama sa kalikasan ang kanilang negosyo.

Ang isyu ng Coal Plant sa Usaping Pang-klima

Sa industriya ng enerhiya, matagal nang inihanay ang paggamit ng Coal Plant bilang pinakamaruming pinagkukunan ng elektrisidad na nag-aambag ng malaki sa lalo pang pag-init ng klima. Sa Tsina na pinakamalaking bansang gumagamit ng coal, karaniwan na ang mga lung related diseases  tulad ng asthma, lung cancer at pneumonia dahil sa coal. Ang Tsina din ang isa sa may pinakamalalang air pollution sa daigdig.

Bukod sa mapaminsala sa kalusugan mula sa mga abong ibinubuga nito, ay maperwisyo din ito sa kabuhayan ng mga tao. Sa katunayan ay itinuturo itong dahilan ng pagkasira ng negosyo ng mangga at palayan sa Masinloc, Zambales. Nasanay na rin ang mga taga-Calaca, Batangas at Mauban, Quezon sa pagsukob sa loob ng kulambo sa loob ng kanilang bahay upang hindi malanghap ang usok at abo mula sa planta ng Coal.

Malayo sa katotohanan ang pangakong kaginhawaang dala at solusyon sa pagmura ng kuryente ang pagkakaroon ng Coal Plant.

Subalit imbes na bawasan at ihinto, pinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyong Aquino ang programa ng nakaraang administrasyong Arroyo, ang pagpapatayo ng 10 Coal Plants sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas.

Sa Central Luzon nasa konstraksyon na ang 600MW ekspansyon ng Masinloc Coal Plant at ng Aboitiz Subic Coal Plant sa Zambales, coal Plant sa Bulacan at Nueva Ecija. Anumang oras ay nasa yugto na ng pagpapagana ang GN Power Coal Plant sa Mariveles at nasa proseso na rin ng konstruksyon ang dalawang 350MW Coal Plants sa Lamao, Limay Bataan.

Nabigo ang balakin ng iilang negosyante at makapangyarihan  sa muling pagbuhay ng Planta-Nukleyar sa Morong, Bataan. Ngayon nama’y sa Coal Plant ang kanilang tinatanaw upang magarantiyahan ang patuloy na tubo at kita kahit pa ang usaping nakasalang ay ang kaligtasan, kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan.

Mistulang silent killer ang chimeniya ng GN Power Coal Plant na sentrong nakatutok sa mga komunidad ng Alas-asin, Mariveles. Inaasahang ilang daang mangingisda din ang maaapatektuhan sa walang habas na paggamit ng Coal Plant ng tubig bilang Cooling mechanism ng planta.

Sa ganitong dahilan, hinihingi ng pagkakataon na muli nating panumbalikin ang aral ng mga nakaraan nating tagumpay laban sa planta nukleyar noon, sa Plant ng Coal sa ngayon.

Sa araw na ito ng pandaigdigang araw ng ating Daigdig o “Earth Day”, ang nagkakaisang mga organisasyon  ng Coal-Free Bataan Movement, Coal-Free Central Luzon Movement, Nuclear Free Bataan Movement (NFBM), Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD)kasama ang mga kabataang organisasyon ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) at Struggle for Environmental Protection and Regeneration (STEPGEN) ay patuloy na isinusulong ang halaga ng buhay at kaligtasan ng mamamayan at ang nararapat ng pagligtas sa kalikasan ng ating daigdig.

Protektahan ang Kalikasan laban sa mga ganid na mapang-abuso!

Tutulan ang mapaminsalang Coal Plant sa Bataan at sa buong Mundo!

Mamamayan muna bago ang kita at negosyo!

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s