Bukas-klase sinalubong ng protesta (Noel Abuel)

Sinalubong ng kilos-protesta ng ilang militanteng mag-aaral ang pagbubukas ng klase sa ilang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.
Nabatid na sinugod ng mga militanteng estudyan­te sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) para iprotesta ang pagtataas ng tuition sa ilang paaralan.
Kinondena ng grupong Youth for Nationalism and Democracy ang pag-apruba ng CHED sa pagtataas ng matrikula ng 339 na pribado at pampublikong unibersidad.
Ayon kay Elmer Aresgado, tagapagsalita ng nasabing grupo, dapat nang buwagin ang CHED dahil sa kabiguan umano nitong maipaglaban ang murang edukasyon sa bansa.
Bunsod nito, aasahan na umano ang paglobo ng bilang ng mga out of school youth at mga working student.
Kasabay nito ay nagbanta ang nasabing grupo na hindi titigil ang mga ito sa panawagan sa CHED na magkaroon ng moratorium sa tuition fee dahilan sa kahirapan ng buhay na dinaranas sa kasalukuyan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s