Buwan ng Kababaihan Ipinagdiwang sa PNU

March 5- Ipinagdiwang ng mga mag-aaaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa pangunguna ng iba’t ibang organisasyon kabilang ang Kabataang Urduja (K.U), Women Studies at Youth for Nationalism and Democracy ang paggunita sa buwan ng kababaihan na may temang “Womens weathering Climate Change: Governance and Accountability Everyones Responsibility”.

 

                Nagsimula ang aktibidad mula sa isang propaganda rally paikot ng quadrangle ng pamantasan habang bitbit ng mga mag-aaaral ng kanilang mga panawagan upang isulong ang karapatan at pagkilala sa mga kababaihan.

 

                Ayon kay Rose Ann Inguito- pangulo ng Kabataang Urduja, “napakahalaga ng buwan na ito upang malaman at matutunan ng lahat ang esensyal na parte ng kababaihan sa lipunan, na ang babae ang tagapagluwal at tagapatiyak ng salinlahi ng sangkatauhan kaya dapat kaming kilalanin na kapantay sa kalalakihan bilang bahagi ng humanidad”

 

                Si Grace Ferrer ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) naman ay nagpahayag ng pagkabahala sa 17 kaso ng rape slay na naitala sa bansa sa buwan pa lamang ng pebrero ngayong taon. Aniya ang ganitong pangyayari ay patunay lamang sa patuloy na pandarahas at pagturing sa kababaihan bilang sekswal na materyal  sa ilalim ng isang patriyarkal na lipunan. Hinamon din nito ang pamahalaan na gawing puspusan ang  pagpapatupad ng mga polisiya tulad ng anti-sexual Act, mga panukalang batas tulad ng Reproductive Health Bill, at pagtindig laban sa Visiting Forces Agreement kung saan sa patuloy na presensya ng mga sundalong Amerikano sa bansa ay kasabay na dumarami rin ang bilang ng panggagahasa sa kababaihan kagaya ng nangyari sa Pilipinang si Nicole ng Subic Rape case at sa hakbang ng U.S na higit na militirasyon sa rehiyon ng Asya Pasipiko kung saan kababaihan pa rin ang siyang bulnerableng sector.

 

                Nagpatuloy ang mga mag-aaral sa Main Building 2nd floor kung saan  opisyal na binuksan ang photo-exhibit na nagpapakita ng mga kundisyon, suliranin at tagumpay ng kababaihan sa kasalukuyan. Sa  PNU-Quadrangle naman sa inorganisang programa ay nagbigay ng pahayag ng pakikiisa ang dekana ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan na si  Dr. Zenaida Q. Reyes na sinundan ng Pinuno ng Departamento ng Agham Panlipunan na si Prof. Nerissa Tantengco sa harap ng may 150 estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at dalubhasaan.

 

                Ayon kay Dr. Reyes, higit dapat manguna ang PNU mula dito sa pagbaka sa mga sekswal na pang-aaabuso na nagaganap sa loob mismo ng pamantasan. Magagawa ito kung ang mga kababaihan ay patuloy na maninindigan upang isulong ang kanyang mga karapatan.

 

                Nagwakas ang selebrasyon sa pagpapalipad ng mga sinindihang mga lantern na simbolo ng matayog na  pagtanaw ng mga kababaihan sa pagkamit ng lipunang malaya at may pagkakapantay-pantay.   

 

 ImageImageImage

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s