Ilayo sa Panganib na dala ng Coal Plant ang Mamamayan

This is the newly built GN Power Coal Plant in Alas asin, Mariveles, Bataan. Because of it’s establishment, residents of Bataan are worried that this may affect their sources of livelihood which are mainly from fishing and farming, as Coal Plants are known to be destructive to nature and environment.

Ilayo sa Panganib ng Coal Plant ng Mamamayan

Ngayong July 29, 2012 ay nakatakdang itest-run ang bagong gawa na Coal Plant sa Mariveles, Bataan na tinatawag na GN Power Coal Plant, sa kabila ng pagtutol ng mga mamamayang Bataeno sa ilalim ng Coal Free Bataan Movement.

Matagal nang napatunayan ang peligrong maaaring idulot ng Coal sa kaligtasan at kalusugan ng tao lalo pa dahil ito ay pangunahing tagapag-emit ng Carbon dioxide na nakakasira sa kalikasan at nagdudulot ng Climate Change.

Subalit ang lokal na pamahalaan ng Bataan at ang gobyernong Aquino mismo ay tila bingi sa pagtutol ng taong bayan sa paggamit ng Coal bilang pinagkukunan ng elektrisidad. Isang bilyon ang budget para sa pagtatayo ng Coal Plant na ito na higit na pang palalakihin ng pangangailangan pera para sa pag-operate na nito. Ang lahat ng ito ay perang sa taong bayan din sisingilin balang araw at kahit na hindi garantiyang bababa ang presyo ng elektrisidad mula dito.

Sa katunayan ay nakatuon ng pamahalaan sa pagpapatayo pa ng higit sa sampung planta ng Coal sa buong bansa. Sa bayan ng Masinloc, Zambales ay nasa yugto pa ng ekspansyon ang dati nang Coal Plant sa kabila ng napakadaming perwisyo ang naidulot ng Planta sa pamumuhay ng mga residente ng Zambales. Maging ang matatamis na mangga ng Zambales at mga palayan ay lubhang naapektuhan dahil sa mga uling na ibinubuga sa hangin ng planta.

Ang ganitong mga problema ay hindi malayong mangyari din sa Bataan lalo ng kanyang mayamang palaisdaan, sa panahon na mag-operate na ang planta.

Matuto tayo sa karanasan!

Tutulan ang mga mpangwasak na pinagkukunan ng enerhiya!

Isulong ang paggamit ng mga renewable source of energy!
Protektahan ang taong-bayan, protektahan ang kalikasan!

7 thoughts on “Ilayo sa Panganib na dala ng Coal Plant ang Mamamayan

  1. may aktibidad tayo sa july.. ang lahat ng nagmamahal sa tanging planetang maaaring tirhan ng tao.. sa kalikasan at buhay.. join our activity.. salubungin natin ng mainit na protesta ang test run na plantang sumisira sa ating mundo..

    • Maganda yan!Asahan ninyo ang pakikiisa ng sektor ng kabataan sa ilalim ng bandila ng YND para tutulan ang operasyon ng Coal plant sa probinsya ng Bataan. Mahalaga ang pagsangkot ng sektor namin dahil kinabukasan namin ang nakataya dito. Kung nagawa nating tutulan at mabigo ang pagbuhay ng planta nukleyar, ay positibo kameng muli tayong magtatagumpay sa pagkakaisa ng buong mamamayan. Pagpupugay sa Coal Free Bataan Movement!

  2. kanina lamang (june 29 2011) ay nagsama sama ang ibat ibang organisasyon ng mamamayan sa subic zambales para ipakita sa ating gbyerno ang kanilang pagtutol sa planong pagtatayo ng planta ng coal sa kanilang lugar. nuong nakaraang linggo ay ipinarehistro nila ang kanilang organisasyon na kakatawan sa kanilang mamamayan sa kanilang probinsya sa pagfafiule ng petition para sa writ of kalikasan sa supreme court, layun ng petisyon na biguin ang pagtatangkang pagtatayo ng plantang coal na batid nilang magiging masama ang ibubunga sa kanilang mamamayan at kalikasan at lalu pang magpapalala sa pagkasira ng ating ozone layer na dahilan ng climate change at glbal warming, na ang mga bansang industriyalisado ang pangunahing salarin sa pagkasira ng atmosphere ng ating mundo.. iisa na lamang ang ating mundo na maaaring tirhan… kya di tayo dapat na manahimik. alalahanin natin na krimen hindi lamang sa bayan kundi sa diyos ang sumira ng kalikasan, kaya sa mga nagmamahal sa ating kalikasan.. ipakita natin anmg ating pakikiisa sa pangangalaga sa kalikasan, ipakita natin na ayaw natin sa mga plantang sisira sa ating kalikasan.. samasama natin labanan ang mga plantang naggagatong ng madumi at mapaminsala sa buhay at kalikasan..

  3. dapat isipin ni coALMENDRAS at PNOY ang kapakanan ng mamamayang pilipino na nagpapasuweldo sa kanila.. iimplement na ang renewable act an pangmatagalan solusyon sa krisis sa kuryento(kakulangan sa suplay at kawalan ng kakayanan na makaaccess sa kuryente). gayundin na solusyon sa nagpapatuloy na pagkasira sa ozonelayer.. isupport natin ang ipanawagan sa ating gobyerno ang agarang implimentasyon ng renewble sources of energy act(solar energy, wind geothermal at iba pa)

  4. hi everyone there, we have a caravan protest on july 29, atty virgie from phil movement for climate justice will be here and the greenpeace in solidarity to our battle on coal.. on our coal issue here in bataan.. pls be with us.. join this day of protest.. the religious leaders will also join us headed by mnsr dumaual.. the fishermen will be having fluvial protest.. ipakita natin na tayo pilipinong nagmamahal sa kapwa at kalikasan.. sumama, makiisa sa caravan para sa kalayaan sa isang mapanganib na plantang coal.. TAUMBAYAN AT KALIKASAN DEPENSAHAN.. COAL PLANT AY HUWAG PAYAGAN!!! THE ACTIVITY will start at 1pm(viewing at sisiman) then caravan follows going to mariveles town proper..

  5. Pagpupugay at pagbati sa mga kasama at mga mamamayan ng Bataan sa matagumpay ninyong paglulunsad ng aktibidad bilang pagtutol sa test-run hanggang sa operasyon ng GN Power Coal Plant sa Mariveles, Bataan. Dahil sa inyong pagkakaisa noong linggo ay napigil natin ang test-run at may pagdadalawang-isip na sa pagpapagana nito. Muli nating napagtagumpayan ang ang laban, kung paanong naging matibay ang ating pagkakaisa laban sa planta nukleyar ay ganun muli tayo hanggat may banta ng pagbubuo ng mga mapamisalang proyekto sa ating buhay at kaligtasan. Ang sektor ng kabataan sa ilalim ng Youth for Nationalism and Democracy-Bataan ay kabilang sa nakiisa sa aktibidad na ito at lagi nang kasama ng mamamayan sa pagtutol sa mga anti-mamamayang proyekto na nagpapanggap sa ngalan ng pag-unlad. Taas kamaong pagpupugay sa inyong lahat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s