Pangatlong SONA na ni P.NOY, May nagbago na ba?

May kapuna-puna bang pag-unlad sa iyong kabuhayan sa huling tatlong taon? eh, ngayong taon? Nagbago ba ang iyong kalagayan

Sa darating na lunes, pangatlong State of the Nation Address (SONA) na ni Pangulong Noynoy Aquino. Taun-taon nag-uulat ang Pangulo sa sambayanan sa kanyang mga ginawa at nakamit sa nakaraan. Subalit tunay nga bang may nagbago? Tunay nga bang si Juan ay umasenso?
Ayon sa tantos:
Mahigit 4 Milyon ng lakas paggawa ng Pilipinas ay walang trabaho
6.24 Milyon Kabataan (edad 6 hanggang 24) ay di nakakapag-aral
50 porsiyento ng mamamayan ang hindi sapat ang kita araw-araw
56.8% ay hirap magbayad ng tubig at kuryente
67.42% ang nagsabing mahirap ang kanilang pamilya

Di Sapat ang Pantawid Pamilya Program at Pantawid Pasada Program, ni ang mga Katiting na Rollback sa Presyo ng mga Bilihin!

Walang Pagbabago Hangga’t Kontrolado ng Dayuhan at Pribado ang Ekonomiya’t Paggugubyerno!

Maunlad ang bansa kung maunlad si Juan: may regular na trabaho at sahod na nakasasapat, nakakapag-aral ang anak at may pagkain sa hapag kainan. Kung noodles o altanghap ang pamilya mo maghapon? may pag-unlad ba? Ang gubyerno ay “ikaw”. Oo, Ikaw nga! tungkulin mong makisangkot at makialam sa pamamahala ng ating bansa. Pagkat sa bawat maling pagpapasya ikaw at kinabukasan ng pamilya mo ang nakataya. Manonood ka na lang ba?

Makisangkot! Makilahok! Ngayon na!

Sa lunes, July 23, alas 8 hanggang alas 4 ng hapon sa Ever Gotesco Commonwealth inaanyayahan kayo na dumalo sa SONA ng MASA. Sama-sama nating iparinig ang ating mga boses at itulak ang tunay na pagbabago!

One thought on “Pangatlong SONA na ni P.NOY, May nagbago na ba?

  1. Walang pagbabago hangga’t ang kapangyarihan ay hawak lang ng iilan. Walang pagbabago kung hawak ng dayuhan at pribado ang paggu-gobyerno. Sa ilalim ni P.Noy, parang si Dr. Faustos na ibinenta na ang kaluluwa(ng ating pagkabansa) sa dayuhan at para sa negosyo.Tuloy ang laban para sa sambayanan! Tuloy ang laban para sa pagkamit ng tunay na kalayaan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s