Dalamhati at Pakikiramay

Nakikiramay at nakikiisa sa pagdadalamhati ng sambayanan ang Youth for Nationalism and Democracy sa pagpanaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse M. Robredo.

Sa panunungkulan niya bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ay kinilala at binigyang papuri ang kanyang maka-mamamayang pamamahala. Kaiba sa maraming pulitiko, nanatili siyang simple at mas inuna niya ang kapakanan ng nakararami kaysa sa kanyang sariling ambisyon. Sentro ng atensyon ng kanyang pamamahala ang pag-unlad ng bawat isa. Kaya naman di matatawaran ang pagmamahal sa kanya ng mga Nagueño.

Siya ay simbolo ng katapatan sa pamamahala at isang ehemplo, di lamang sa kanyang mga nasasakupan noon sa Naga kundi pati na rin sa buong bansa. Bagaman siya ay di pinapaboran ng rehimen, naging masikap siya sa paggampan ng kanyang tungkulin, hindi para sa mga pampulitikang pabor o ayuda, kundi para sa mamamayang Pilipino.

Sa kanyang pagkawala, bagaman nakalulungkot, ay marapat na hindi magmaliw ang kanyang mga simulain. Ang mga tulad ni Jesse Robredo ay patunay na may mga makamasa, sinsero at may prinsipyong indibidwal sa loob ng kasalukuyang bulok na sistemang pampulitika. Ngayon, higit kailan pa man ay dapat na magkaisa at manindigan upang itayo ang isang pamahalaang tunay na kakalinga sa mamamayan!

PAGPUPUGAY SA IYO, SEC. JESSE M. ROBREDO!
TUNAY KANG NAGLINGKOD PARA SA SAMBAYANAN!
ITATAG ANG TUNAY NA GOBYERNO NG MAMAMAYAN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s