Kabataan ng paglaya

Kabataang lumalaban, mapagmahal sa bayan
Nakikibaka sa bawat isyung panlipunan
Taas kamaong nagmamartsa sa parlyamento ng lansangan
Suot ang pudpod na tsinelas at kupas na sarong na sa init ay panlaban

Kabataan, iba’t iba ang pinanggalingan
Uring magsasaka, maggagawa, burges at maralita
Bukas na natanaw ang dinaranas ng masa; haplit, hirap at dalita
Sa sangandaan ay nagtagpo, tinalikuran ang dating gawi
At inalay ang sarili sa masa

Ganti ng sistema sa inyong tinaguriang aktibista;
Binansagang raliyista, maingay, magulo
Hanap ay basag-ulo
Hindi na nga naliligo, niromansa ang paglaban sa imperyalismo

Kabataan, tanging hangad ay kalayaan
Ng bayang nasa lusak ng kahirapan
Balik sa iyo ay hagupit.
Itinanikala ka’t; ang iyong bukas ay pinagkait

Sa malamig na karsel ika’y ipiniit
Pilit na binusalan ang iyong bibig sa pag-ingal ng mga makabayang panambitan
Sipa, suntok, tadyak, dusta ang ikinintal
Sa iyo ng mga berdugong kaaway

Subalit ang iyong tinig ay lagi nang maririnig
Naka-ukit, bumubukal sa mga bagong binhing nakatindig
Hindi ang piitan ang magtatapos sa adhikain
‘pagkat kabataan kang Malaya ang puso at isip

Kabataan kang –
Y – UMAYABONG TULAD NG PUNO SA KASUKALAN
N – A SA PANG-AAPI’Y
‘D – I MANANAHIMIK SA GITNA NG DILIM!

——

alay kay kasamang Archie Bathan ng YND-Bataan.

Hanggang ngayon ay nakakulong sa salang pagtindig sa isyu ng mamamayan laban sa planta-nukleyar at pagmamahal sa Bayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s