HINAING NG MGA GURO (Isang litanyang hango sa isang kabanata sa Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal at isinataludturan sa tradisyon ng Dasalan at Tocsohan ni Gat Marcelo Del pilar)

L: Gambalain Mo ang DepEd na ilaan ang 6% ng ating GNP para sa edukasyon alinsunod sa internasyunal na pamantayan ng UNESCO,

S: upang matugunan na ang maraming mga kakulangan.

L: sa mga gutay-gutay nang mga libro na pahina’y kulang-kulang, may mga mali pang nilalaman.

S: bigyan mo kami ng bago, one-to-one ratio at yung totoo.

L. sa mga nagsisikipa’t butas-ang- bubong na mga klasrum,

S. Bigyan mo kami ng sapat na mga silid-aralan, yung hindi nilulunod ng baha pag tag-ulan, ni pugon-sa-init pag tag-araw

L. Sa mga gurong lalamuna’y gasgas at malat sa maghapong paggampan ng gawaing pagmumulat,

S. Bigyan Mo kami ng mga gurong handang sa pagbabago’y makilahok at hindi bulag na sunod-sunuran sa mga maling utos

L. Sa mga pasilidad at gamit pang-laboratoryo na meron ang Assumption at mga paaralang pribado,

S. Hanguin mo kami sa pagka-ignorante nang di na i-assume na
beaker ang Nescafeng bote at test tube naman ang bote ng Pepsi

L. Chalk na puti,

S. Pag madaling madurog at mabali, peke!

L. chalk na ginto,

S. Ayaw ibigay, itinatago.

L. Libreng Libro

S. Bilhin mo sa Recto, pag minalas pa’y kaltas sa sweldo.

L. Hiring at promotion sa pwesto,

S. kung “gifted” ka o mahilig mag- regalo, sigurado

L. Gurong nagpupuyat sa gabi,

S. “Gud morning, Miss Zombie”, ang bati ng klase.

L. Bilyon-bilyong Provident Fund,

S. Mga Opisyal lang ang higit na nakikinabang

L. 20,000 kinuhang teachers sa Kinder,

S. Di pa sumusweldo mula pang June hanggang September. Paano naman kaming pinag-volunteer?

L. Blackboard ni Mam Clarete,
S. Hindi itim dahil berde

L. Sapatos ni Sir Geron

S. Nganga na ang swelas na parang gutom, pudpod pa ang takong

L. Sa 4,000 pesos na yearly allowance sa clothing and uniform,

S. Opisyales ng DepEd nangumisyon!

L. Sa bilyon-bilyong mga benepisyong sa mga guro’y pananagutan,

S. Mahigit 20 taon na’y ayaw pang bayaran

L. Hardship at Hazard allowance sa mga nagtuturo sa mga malalayo’t mapanganib na lugar,

S. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?

L. Walong oras na pagtuturo ,

S. Kalbaryong pahirap sa mga guro

L. SIX WILL FIX ,

S. K+12 alone is CRUCIFIX

My Teacher My Hero

L. My Teacher, My Hero
Lingap ng Gobyerno ay Zero!

S. My Teacher, My Hero
Titser ko may Swero

L. My Teacher, my Hero
Pasan-pasa’y Kalbaryo
sa Kakarampot na Suweldo

S. My Teacher, My Hero
Kung ‘di Q.I, Sementeryo

L. Who says the teacher
has replaced the carabao
as the new national beast
of burden?

S. Yes! My Teacher my Hero
but please give her her due.

Give Us this Day
Our Teachers’ Pay

PANALANGIN NG GURONG MAKABAYAN

Aba Ginoong Secretario,
Sa DepEd ay napwesto,
Sambitin ang ‘Bro: sa ngalan mo
Mapasaamin kahit konting oras mo
Dito sa lupa nang di na umabot pa sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng mga biyayang ayon sa sa Magna Carta’y
Dapat mapasaamin
Sa araw-araw
At patawarin mo kami
Sa aming kapangahasan
Tulad ng pagpapatawad namin sa iyong kapabayaan
Huwag mo kaming ipahintulot
Na matukso
At iadya mo kami sa mga
Opisyales na masasama. Amen..

*Pagpupugay at pakikiisa sa mga dakilang guro ng bayan ang tagapag-hubog ng mga pag-asa ng bayan!

_____

Alay sa mga dakilang guro sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Ang litanyang ito ay likha ni Ka Fidel Fababier ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) at ang pinta naman ay likha ni Jayson Cadiz ng Youth for Nationalism and Democracy (YND)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s