Pagbati mula sa YND, sa Pagdiriwang Kapaskuhan at Bagong Taon

Pagbati  mula sa YND, sa Pagdiriwang Kapaskuhan at Bagong Taon

Isang maligayang Pasko at mapagpalayang Bagong taon!

Bawat taon, kinasasabikan nating abangan ang pagdiriwang kapaskuhan at bagong taon. Ang mga araw kasi na ito ay lagi nating pinaghahandaan para magsalu-salo ang pamilya ng sagana o kahit sapat na handa basta masaya ang pamilya, nagbibigayan ang mga tao at may saya sa bawat isa.

Kung bakit gayon na lamang ang ating pagkasabik sa pagdating ng araw na ito, ay dahil sa buong taon, batbat ang ating buhay at ang buong lipunang Pilipino ng samu’t saring krisis mula sa ekonomiya, pulitika, at personal na problema na nakaugat sa umiiral na sistemang panlipunan ng ating bansa at nakadugtong sa panlipunang kaayusan ng daigdig sa kabuuan.

Kung Kaya, maging inspirasyon natin ang simbolismo ng kapaskuhan at bagong taon na siyang dahilan kung bakit patuloy tayo sa ating pakikibaka at pagsusulong ng interes ng mamamayan. Dahil nais nating araw-araw ay maging pasko at saganang sing tulad ng paghahanda natin sa bagong taon.

Nakikibaka tayo upang makamit ang lipunang malaya at may pagkakapantay-pantay na siyang esensya ng tunay na pasko at pagdiriwang ng bagong taon.

Maligayang Pasko at Manigong bagong taon sa lahat!

____
ang larawan ay likha ng mga kasama mula sa Coal Free Mariveles Movement – NFBM Bataan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s