Edukasyong mula Serbisyo tungong Kalakal

Isang eksena sa isang tambayan ng mga estudyante sa Mendiola…

Image

                                                                                                                                     

May dalawang hindi magkakilalang estudyante ang nag-uusap.

-Bro, saang University ka produkto?

-Produkto? Ako?

-Oo ikaw, tayo! produkto na ang turing sa ating lahat ngayon? Matuturing na kasing kalakal ang edukasyon.

– Bakit nagkaganun e tao ako at sa pagkaka- alam ko serbisyo ang edukasyon?

-Yun ang akala mo! Aber saang eskwelahan ngayon ang walang bayad bago makapasok?

-Oo nga ano! Hindi ba yan ang naging dahilan ng depresyon hanggang dumulo sa pagpapakamatay ang isang estudyante ng U.P recently?

– Nakakalungkot ngang  balitang ‘yan! At tayo ay araw-araw ding  nasa peligro ang lifeline sa Unibersidad dahil sa walang tigil na pagtataas ng matrikula, miscellaneous fees at iba pang bayarin. Sa ngayon nga, we are presumed rich until proven poor. And if proven poor, ay bahala ka sa buhay mo!

-Aba seryosong problema yan ah! Ano pa ang silbi ng estado? Anong magagawa natin?

-Sa pagsunod nya sa mga neo-liberal na patakaran na dikta ng dayuhan, taxation at police power nalang daw dapat ang tungkulin ng pamahalaan. Ang batayang serbisyo sa kabilang banda tulad ng edukasyon ay hayaan nang ang pribadong sektor tulad ng mga negosyante ang magpatakbo.Lalala pa ito, kung hindi tayo kikibo.

-Hindi nga puwedeng magpatuloy ito!

-Halika sumama tayo sa pagkilos ng Youth for Nationalism and Democracy sa harapan ng Commission on Higher Education sa biyernes, alas-3 ng hapon; upang gisingin ang institusyong ito sa kanyang pananahimik sa lumalalang komersyalisasyon ng Higher Education sa bansa.

-Magsusuot tayo ng itim na t-shirt at magtitirik ng kandila para ipagdasal ang kapayapaan ni Kristel Tejada at iharap sa Ched na tayong mga mag-aaral ang mga Kristel Tejada na laging nasa bingit ng kamatayan araw-araw dahil sa paglimot ng institusyong tulad nila at ng buong Estado sa Karapatan sa serbisyong pang-Edukasyon na dapat tinatamasa ng lahat.

-Kailangan na ngang kumibo, sumigaw, ipanawagan na tayo namang mga kabataan ang pakinggan! Matagal na tayong hindi pinapahalagahan at kinalimutan!

Sumama sa protesta ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) sa opisina ng CHED (Commission on Higher Education) sa biyernes alas-3 ng hapon laban sa komersyalisasyon ng Edukasyon, State abandonement sa serbisyong pang-Edukasyon, at pagsunod sa neo-liberal na mga polisiya’t patakaran sa interes ng dayuhan.

 

Magsuot ng itim na damit at magdala ng kandila. Sasabayan ito ng mga pang-kulturang pagtatanghal kaugnay ng mga isyung hinaharap ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s