Wag Matakot! Ang Sagot ay Boycott!

SIGHAUTEU!

SIGaw para sa HAUTEU!

 

Sa Lupain ng mga banal na Anghel,

 

Patuloy ang dakilang Strike.

 

Ngunit patuloy din ang kontrabida sa pagkakalat ng gimbal, lagim, kilabot at takot!

 

Mga i.D. na kinumpiska, mga pangalang inililista, mga estudyanteng sinisita. Liban pa yan kay Manong Guard na napakapal ata ang face-powder na tuloy sa trip nyang “kuha-kuha din ng picture at video ng mga nasa strike pag may time.” kahit alam na nyang bawal! (Puro kasi Stolen!)

 

Bawal ang magpahayag ng reaksyon! (Alam kasi na kontra lagi sa kanila.)

Bawal magbigay ng donasyon! (Pati ba naman ‘yon?)

 

At eto ang malupet mga kachokaran! 

“Iskolar ka? Susuporta ka sa Strike? Gusto mong mawalan ng scholarship? Pumirma ka ng Waiver and behave in the corner!”

 

Seryoso??

Weytaminit! Di ba ang scholarship ay dapat nakabase sa “Academic Standing”? at hindi “Who you stand with?”

(Again and again…alam kasing ang mga estudyante ay tiyak na kakampi sa hindi na maikakailang “makatwirang” laban ng unyon.)

 

But wait, there’s more!

 

Naamoy yata ng nostrils ng MONEYgment,este,MANAgement na pwedeng piliin ng mga isko at iska na hindi pumirma sa kahit anong waiver na pipigil sa karapatan nilang malayang pumili ng papanigan at magpahayag ng pakikiisa sa nasa tama. Kaya ang Plan B ng mga KITAuukulan,ekskyusmi, KINAuukulan….

Dyandyararan! Ipapirma ang waiver sa mga magulang!

Ay ba naman suman! Gusto pa atang kasangkapanin ang mga magulang sa panggigipit ng karapatan! Pati mga magulang idadaan sa santong paspasan?

 

Haaaaaaaaaayyyyyy…..

 

Seryoso mode tayo mga kapwa kabataan..

 

Patatali pa ba tayo sa “Pag sumuport ka strike makikita mo…”

 

Makikita ang ano?

 

Na masyado ng pinapatagal ng management ang patintero…

Na hindi na natin maikakaila kung sino ang nasa wasto.

Na wag na nating dapat patagalin ang ginagawang pagkakait sa HAUTEU ng dapat namang makuhang umento sa sahod at benepisyo.

Na pwede natin silang sagutin ng “Makikita kong hindi sa tama napupunta ang dagdag na matrikulang binabayad ko!”

 

Pahahabain pa ba nating ang mga mag-aaral at guro ay nabibiktima?

Isang bagay ang dapat na nating bigyang pagpapasya.

Tama pa bang pumasok dahil na lang sa pananakot?

 

Sana maisip mo..

 

Ang Bawat pagpasok mo ay pag-aabot ng pamalo sa Management para ipukpok sa ulo ng Unyon na nagtatanggol ng karapatan nila at ng mga estudyante… papayag ka pa bang maging kasangkapan ng pananakot sa’yo at paniniil sa karapatan ng guro at empleyado ng HAU?

 

Wag Matakot! Ang Sagot ay Boycott!

 

Kasama n’yo kami sa labang ito!

 

-Youth for Nationalism and Democracy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s